The U.P. system is the premiere educational institution in the
Philippines.
Kahit kaninong Pilipino nyo itanong, sasabihin na UP ang numero unong
unibersidad sa 'Pinas.
Yung mga nagsasabing hindi UP ang number one, mga in denial. Di nila
matanggap ang laki ng pagitan ng UP sa iskwelahan nila. Yung iba naman
mga bitter, hindi pumasa sa UPCAT kaya naninira—cheap daw ang U.P.,
Jologs ang U.P. (jolog: Gaudy, unelegant, without refinement in
taste), magulo at delikado raw sa U.P., never daw nilang naisipang
mag-aral sa U.P., pero deep inside U.P. ang dream school nila. Sabi
nila, ito ang breeding ground ng mga future leaders ng Pinas – pati na
rin mga future rebels.
Sa U.P. mo makikita ang lahat ng klase ng tao. It's the "REAL WORLD"
daw e--lalake, babae, binabae, tibo, tomboy, alanganin, syoke,
mayaman, mahirap, jolog, sosyal, kristiyano, muslim, pagano,
satanista, tarantado, sira ulo, basagulero, siga, duwag, 'langhiya,
nerdoks, geeks, macho, sexy, payatot, maganda, guwapo, panget,
manyak, birhen, liberated, conservative, maginoo, bastos, peste,
magnanakaw, manggagancho, mamamatay-tao, etc. etc. etc!
Dito mo rin makikita ang pinakamaraming fraternities - APO, S.J.,
Sigma Rho, Alpha Sigma, Pi Sigma, TOM, Mu, Sigma Phi, Toma-Suka-Tumba,
Upsilon, Downsilon, Rightsilon, Leftsilon, Babaylan, Alpha Phi
Chupapi, etc.
Name it at meron ang U.P. Pati na rin ang source ng lahat ng
masasarap na pagkain na makukuhanan ng sakit--fishballs, squidballs,
kikiam, isaw, A.D.I.D.A.S (paa ng manok), bilog, tenga, balun-alunan,
kwek-kwek, Mang Jimmys, Rodics,Beachhouse, at ang ever famous CASAA -
na ngayon ay downloadan na ng mga mp3, at mpeg na bomba.
Kung ikukumpara mo sa mga ibang schools, sa U.P. mo makikita ang
pinakabulok na systema kapag registration (ooops, may CRS na
pala--copuntrzd regtrn) at ang pinaka mahihirap at mahahabang
subjects. U.P. System ang tawag dahil maraming campuses all over the
Philippines .
Nandyan ang U.P.Diliman, ang pinakamalaking school sa Pilipinas.
Sa sunken garden maraming milagrong nagyayari tuwing gabi. Sa sobrang
laki pa ng campus, pwede kang magtayo ng house and lot at di ka pa
masisita ng admin.
Sa U.P. Manila, nagkalat ang mga konyito at konyita. Airconditioned pa
daw ang classrooms nila! Pampered! Andun ang pinakasosyal na UP
building, ang UP Robinsons ( Robinsons Mall ). Nandoon din ang P.G.H.,
kaya kahit masaksak ka habang nag-aabang ng jeep kapag ginabi sa
pag-uwi, o isa kang binabae na nabugbog dahil nahuli kang naghihipo sa
sinehan sa Robinsons, o mamamatay-tao at hindi callboy ang napick-up
mo sa may PWU, malamang ay mabubuhay ka pa.
Sa U.P. Baguio, para kang nagbabakasyon while studying. Malamig all
year round, kaya marami ang laging may kayakap tuwing gabi. Familiar
din ito sa mga Jolina Fans dahil dito shinoot ang isa sa mga super
duper kilig movies nila ni Marvin.
Sa U.P. Los Banos, para sa mga gusto nang kumawala sa parents! Liblib
na lugar, you can do what you never got to do when those parents are
around! Ayos para sa mga nature lovers dahil bundok ang nasa likuran.
Ayos din para sa mga nag-iinit na mga lovers, marami kasing talahiban.
Meron ding U.P. Visayas at U.P. Mindanao, para sa mga sawa na sa
Luzon. And of course ang pinaka-underrated na branch, ang P.U.P.? or
Philippine University of the Philippines, for short. (wahahahaha)
Meron ding mga hoping maging U.P-- nandyan ang UST or UP Sana Tayo,
DLSU-di Lusot sa UP, at and ADMU (Ateneo de Manila Univ)-Ayaw Daw
Mag-UP.
Hindi mo talaga makakalimutan ang buhay mo sa U.P. It's unique and one
of a kind.
Unforgettable para sa akin yung oblation run na dinadayo pa ng taga
ibang school, pati na ng mga tigang na foreigners, mga bakla, at mga
kolehiyalang taga all girls school na akala mo mga inosente kapag
nagtilian. First time nakakakita ng birdies ang mga virgin kuno (meron
ako narinig, in a very coño accent: "ay why is that they look like
sausages, wat?!? wahahahaha), nagpapapiyesta ang babaylan, labasan din
ng mga video cameras ang mga gurang at mga walang asawang teachers at
librarians, at tuwang-tuwa ang ibang mga lalaki dahil mas malaki pala
ang mga alaga nila.
Laging nasa headlines ang UP! Dahil sa mga rally, sikat na alumni, at
dahil na rin sa mga krimen na nangyayari all around campus.
Naka-witness ako ng binaril sa A.S. walk.
Napaka-memorable din sa akin yung teacher ko sa KAS-I na hinarass at
hinipuan ako sa cubicle nya. May kilala rin akong badaf na titser na
nagbigay ng indecent proposal sa machong-macho at very papable kong
kaklase, "Hoy Mr. ___, bumabagsak ka na. Kwarto o kwatro??"
Ang saya-saya talaga dito sa iskul natin! Taun-taon ay hindi nauubusan
ng events ang U.P. Meron tayong yearly fair na ginagawa tuwing
February, concerts like Elvis and Maskipaps, ang nabanggit nang
Oblation Run and Lantern Parade tuwing December, ang pagpapaulan ng
libreng condoms tuwing World Aids Day, pagpapa-premiere ng mga uncut
versions ng bomba movies sa Film Center, halos araw-raw na mga rally,
rumble ng Upsilon at Sigma Rho every month, at orgy ng babaylan every
weekends. Kaya masasabi nating napaka aktibo ng eskwelahang ito.
Sa kabila ng lahat ng ito, nangunguna sa kahit anong bagay ang mga
nag-aral sa U.P. Siguro dahil sa pinagdaanan nila sa eskwelahang ito
naging mga !@#$ at street smart ang mga Isko at Iska. Kaya hindi mo
mauutakan ang mga yan. Survival of the Fittest, 'ika nga, kaya kapag
gumraduate ka sa U.P., you are ready for the real world. Angat ka
talaga sa iba. Sa kahit anong field, mapa showbiz, politics, business,
rebellion, etc. nangunguna ang mga taga UP! Mga bitter lang ang di
makatanggap ng fact na yan.
Kaya sa lahat ng mga Isko, wherever you are (nangungurakot na pulitiko
sa kongreso, namundok na kasama ang mga NPA), whatever you do (walang
trabaho, director, producer, artista, model, singer, rebelde, tindera,
doctor, abogado, mangingisda, magsasaka, magnanakaw, swindler,
estafadora, congressman, presidente ng pinas etc.) saludo ako sa inyo!
Itaas ang bandila ni oble at ng buong UP System!
U.P. da best!
MABUHAY ANG MGA ISKO AT ISKA NG BAYAN!\
--------------------------------------------------------------
sana pumasa ako. hahaha!
Friday, September 5, 2008
A testimonial on why UP is the best!
guaranteed fresh from
Earl Burgos
at
2:50 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)




0 rejoinders:
Post a Comment